MAYNILA, KINILALANG “2026 HALAL CHAMPION” SA PAGDIRIWANG NG EID’L ADHA

KINILALA ang Lungsod ng Maynila bilang “2026 Halal Champion” kasabay ng pagdiriwang ng Eid’l Adha.

Personal na tinanggap ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso ang parangal mula sa Department of Trade and Industry-Halal Industry Development and Promotion Program (DTI-HDPP) dahil sa mga programa at inisyatiba ng lungsod para sa Halal-friendly Philippines.

Iniabot ni DTI-HDPP Program Manager Director Dimnatang Radia ang plake kay Mayor Isko matapos magkasundo ang iba’t ibang ahensya na palakasin ang suporta sa halal industry at pagtatayo ng Halal Town.

Binigyang-diin ni Moreno na ang tunay na paglilingkod ay nasusukat sa kahandaang magsakripisyo para sa kapakanan ng nakararami.

Tiniyak din ng alkalde na magpapatuloy ang pagsusulong ng isang pamahalaang may malasakit, pagkakaisa at patas para sa lahat ng Manileño.

(JOCELYN DOMENDEN)

116

Related posts

Leave a Comment