PADILLA BARADO KAY RISA SA DEPINISYON NG FORCE MAJEURE

BINARA ni Senador Risa Hontiveros ang depinisyon at interpretasyon ni Senator Robinhood Padilla sa “force majeure” o hindi maiiwasan/hindi kontroladong pangyayari.

Sa post ni Padilla sa social media, binanggit niyang maituturing na “force majeure” ang giyera sa Gitnang Silangan na nagresulta sa oil crisis, ang China-Taiwan conflict na posibleng madamay ang Pilipinas at ang inaasahang matinding El Niño phenomenon.

Binigyang-diin ni Hontiveros na ang mga tinukoy ni Padilla ay hindi matatawag na force majeure.

Malayo anya ang giyera ng Middle East sa Pilipinas at ang epekto na krisis sa langis ang siyang mas mabigat na dahilan kaya mas dapat pumapasok sila physically at ginagawa ang kanilang trabaho.

Maging ang kinatatakutang hidwaan aniya na Tsina at Taiwan, global warming at mga sanhi ng climate change ay matagal nang banta sa bansa at hindi kinakailangang i-online work pa ng mga mambabatas.

Idinagdag pa ng senadora, ang mga ito ay ang mga isyu na dapat nilang trabahuhin “in person” at hindi kailangang bigyan daan para sa online debate at voting.

(DANG SAMSON-GARCIA)

69

Related posts

Leave a Comment