ITINALAGA si Police BGen. Melecio Buslig Jr., bilang bagong OIC ng Eastern Police District, kapalit ni PBGen. Aden Lagradante.
Epektibo nitong araw ng Lunes, Hunyo 1, ang panibagong balasahan sa hanay ng pulisya.
Habang si PBGen. Lagradante ay itinalagang Officer-In-Charge ng Civil Security Group.
Samantala, pumalit naman kay Buslig bilang bagong Deputy Regional Director for Operations ng NCRPO, si Police BGen. Rodel Pastor.
Ginawa naman si Police Col. Martin Gamba bilang Officer-In-Charge ng Office of the Chief of Regional Staff ng NCRPO.
(TOTO NABAJA)
61 