NAGDEKLARA si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng special non-working days sa 13 lugar sa iba’t ibang panig ng bansa kaugnay ng pagdiriwang ng kanilang founding anniversaries at lokal na okasyon ngayong Hunyo.
Sa ilalim ng Proclamation No. 1268, idineklara ni Pangulong Marcos ang Hunyo 1, araw ng Lunes, bilang special non-working day sa bayan ng Palapag, Northern Samar para sa pagdiriwang ng Sumuroy Day.
“It is but fitting and proper that the people of the Municipality of Palapag be given full opportunity to participate in the occasion and enjoy the celebration,” ayon sa proklamasyong nilagdaan ng Pangulo noong Mayo 26.
Idineklara rin ng Chief Executive ang Hunyo 18 bilang special non-working day sa bayan ng Calintaan, Occidental Mindoro para sa 60th founding anniversary nito.
Kasabay nito, idineklara rin ang Hunyo 18 bilang special non-working day sa Presentacion, Camarines Sur para sa 65th charter anniversary; Carmen, Davao del Norte para sa founding anniversary; Kalilangan, Bukidnon para sa 60th founding anniversary; at Ambaguio, Nueva Vizcaya para sa founding anniversary ng mga nabanggit na bayan.
Ang mga deklarasyong ito ay nakapaloob sa Proclamation Nos. 1266, 1269, 1270, 1271 at 1272 na nilagdaan noong Mayo 26.
Samantala, idineklara naman ang Hunyo 3 bilang special non-working day sa bayan ng Ayungon, Negros Oriental para sa 102nd township anniversary nito.
Idineklara rin ang Hunyo 6 bilang special non-working day sa lalawigan ng Zamboanga del Norte kaugnay ng pagdiriwang ng ika-74 na founding anniversary nito.
Sa Hunyo 9 naman, special non-working day din sa bayan ng Rosario, Batangas para sa founding anniversary nito.
Habang ang Hunyo 17 ay idineklara bilang special non-working day sa Lapu-Lapu City bilang pagdiriwang ng 65th charter anniversary nito.
Sa Hunyo 18, idineklara ring special non-working day sa San Fernando, Bukidnon para sa 60th founding anniversary nito.
Samantala, sa Hunyo 19 ay special non-working day naman sa Laoag City, Ilocos Norte para sa charter anniversary nito.
Idineklara rin ni Pangulong Marcos ang Hunyo 24 bilang special non-working day sa bayan ng Tiaong, Quezon kaugnay ng kapistahan ng bayan.
Ang mga nabanggit na deklarasyon ay nakasaad sa Proclamation Nos. 1273, 1274, 1275, 1276, 1277, 1278 at 1279 na nilagdaan noong Mayo 28.
(CHRISTIAN DALE)
45 