ALINSUNOD sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasunod ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao, kasalukuyang nagsasagawa ng response operations ang Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP), at mga lokal na pamahalaan (LGUs) upang matiyak ang kaligtasan ng mamamayan sa mga apektadong lugar.
Ayon kay Secretary of the Interior Jonvic Remulla, kabilang sa isinasagawang mga hakbang ang search and rescue operations para sa mga naapektuhan ng lindol, gayundin ang site inspections sa mga paaralan, pampublikong gusali, at mga baybaying lugar na nasa ilalim ng tsunami advisory.
Pinapayuhan ang lahat na manatiling alisto, sumunod sa mga abiso ng mga lokal na awtoridad, at maging handa sa posibleng aftershocks at tsunami warnings.
(JESSE RUIZ)
108 