IGINIIT ni Senador Alan Peter Cayetano na hindi matatapos sa pagpapalit ng liderato ng Senado ang paghahanap ng katotohanan sa umano’y mga iregularidad sa flood control program ng pamahalaan.
Sa isang online statement nitong Hunyo 17, nagpasalamat si Cayetano sa mga sumuporta sa kanya at kinilala ang mga kaalyadong nanindigan sa kanyang panig sa gitna ng sigalot sa Senado.
Kasabay nito, tiniyak niyang ipagpapatuloy niya ang pagtutok sa usapin ng pananagutan kaugnay ng flood control projects.
Ayon kay Cayetano, hindi ang posisyon sa Senado ang tunay na isyu kundi ang pagpapatuloy ng imbestigasyon at paglalantad ng katotohanan.
“This was never about the Senate presidency. From the very beginning it was about the truth — the truth about the flood-control funds, the billions meant to shield our towns and our families from the waters, the protection that was paid for and never came,” ani Cayetano.
Dagdag pa niya, may mga sektor umanong nais ilantad ang katotohanan habang mayroon ding nagsisikap na maitago ito.
Kinuwestiyon din ng senador ang layunin ng special session na ipinatawag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dahil wala umano sa 21 priority measures ng administrasyon ang nakatakdang maipasa rito.
“The President himself named twenty-one priority measures for passage by June, and when our leadership changed, his Palace promised the public there would be no slowdown. Yet not one of those twenty-one appears to be set for passage today,” aniya.
Ayon kay Cayetano, kabilang lamang sa mga nakatakdang talakayin ang panukalang pagtatatag ng national orchid at pagbibigay ng citizenship sa dalawang atleta, habang nasa interpellation pa lamang ang Anti-Political Dynasty Bill.
“We could have done the people’s work these past weeks — had the effort gone into governing rather than into counting to thirteen. Instead, the real work waits. Cover-up time muna,” saad niya.
Hinala rin ng senador na ang special session ay para lamang pagtibayin ang pagbabago sa liderato ng Senado.
Sa kabila nito, nangako si Cayetano na ipagpapatuloy niya ang pagsusulong ng katotohanan at accountability anuman ang kanyang posisyon sa Senado.
“Offices are temporary, titles are temporary, even majorities are temporary — but your right to the truth is not. I promise you, we will get to the bottom of this,” ani Cayetano.
129 