PBBM: PINAS MANANATILING TAGASULONG NG KAPAYAPAAN SA KABILA NG PAGLAWAK NG TRADE SA RUSSIA

AMINADO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga pangamba hinggil sa posibleng backlash sa Pilipinas at sa ASEAN kaugnay ng pagpapalawak ng kalakalan sa Russia, na maaaring tingnan ng ibang bansa bilang pagpopondo sa digmaan laban sa Ukraine.

Sa sidelines ng ASEAN-Russia Commemorative Summit sa Kazan, Russia, sinabi ng Pangulo na nananatiling tagasuporta ang Pilipinas ng kapayapaan hindi lamang sa rehiyon kundi sa buong mundo.

“Certainly, that’s a concern. And it’s not something, as I’ve always said, the Philippines is one of the, if not the greatest sponsor, supporter for peace. And not only in our region but everywhere else,” ayon kay Pangulong Marcos.

Binigyang-diin niya na hindi nais ng Pilipinas na masangkot sa anomang sistemang magpapalala ng mga armadong tunggalian.

Gayunman, sinabi ng Pangulo na napakaliit ng kasalukuyang trade volume sa pagitan ng Pilipinas at Russia upang masabing nakatutulong ito sa pagpopondo ng anumang digmaan.

“In terms of the volume of trade, for example, that we have to get from Russia, it comprises such a small part of their general revenue generation that it clearly cannot be said that it is funding conflict anywhere,” paliwanag niya.

Ayon sa Pangulo, nasa humigit-kumulang $5 bilyon lamang ang bilateral trade ng Pilipinas at Russia, malayo sa halos $20 bilyong kalakalan ng ASEAN sa nasabing bansa.

Sinabi rin ni Pangulong Marcos na matagal nang naapektuhan ang antas ng kalakalan ng Pilipinas at Russia dahil sa dating pananaw noong panahon ng Cold War kung saan nakahanay ang Pilipinas sa Estados Unidos at ang Soviet Union naman sa kabilang panig.

Ngunit aniya, nagbago na ang pandaigdigang kaayusan at hindi na dapat manatili ang mga bansa sa lumang pananaw ng bipolar world.

“We have shed that kind of idea. And we look at the world in a much different way than we did in 1976,” ani Pangulong Marcos.

Dagdag niya, kinikilala ngayon ng Pilipinas ang pag-usbong ng isang multipolar world na bagama’t mas kumplikado ay nagbubukas naman ng mas maraming oportunidad para sa bansa.

“Very early on, I already said that the Philippines no longer subscribes to a bipolar world where you have to choose one side over the other,” pagtatapos ng Pangulo.

(CHRISTIAN DALE)

100

Related posts

Leave a Comment