BUHAWI MULING NANALASA SA TABING DAGAT SA QUEZON

NAYANIG ang mga residente at bakasyunista sa Barangay Libjo, Infanta, Quezon nang biglang mamuo at humagupit ang isang malakas na buhawi mula sa dagat noong Linggo dakong alas-6:20 ng gabi.

Sa lakas ng hangin, may mga bangkang inangat at inihagis, habang pinsala naman ang inabot ng ilang kabahayan, cottages, at may natumbahang mga puno.

Agad namang nag-utos si Mayor LA Ruanto ng assessment para sa agarang tulong sa mga apektadong residente.

Ayon sa ulat, ito ang magkakasunod na insidente ng buhawi sa lugar nitong mga nakalipas na buwan kaya’t labis ang pangamba ng mga residente. Ligtas naman ang lahat at walang naitalang nasaktan sa insidente.

(NILOU DEL CARMEN)

103

Related posts

Leave a Comment