EX-BARANGAY KAGAWAD, PINATAY SA HARAP NG BAHAY

PATAY ang isang dating barangay kagawad matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang armadong lalaki sa harap ng kanyang bahay sa Barangay Culis, Hermosa, Bataan.

Sa inisyal na ulat, naganap ang pamamaril bandang alas-9:00 ng umaga kahapon. Kinilala ang biktima na si Norman Dalit.

Ayon sa imbestigasyon, huminto sa harap ng bahay ng biktima ang isang van na sinasakyan ng mga suspek. Pagkababa, agad umanong pinagbabaril si Dalit gamit ang Armalite rifle.

Duguang bumulagta ang biktima at idineklarang dead on the spot, habang mabilis namang tumakas ang mga salarin sakay ng kanilang sasakyan.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Bataan Police upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo sa pamamaslang.

(JESSE RUIZ)

132

Related posts

Leave a Comment