NAG-PANIC ang mga pasahero ng isang pampasaherong bus nang mistulang gawing firing range ang kanilang sinasakyan ng riding in tandem habang binabaybay ang kahabaan ng Barangay Banaybanay, Amadeo, Cavite noong Martes ng umaga
Inilarawan ang mga suspek na magkaangkas sa isang itim na motorsiklo na hindi naplakahan.
Minamaneho ng driver na si alyas “Armando” ang isang pampasaherong bus na may plakang NKJ 2146, na nakarehistro sa ACB Transport Services of Las Piñas, habang binabagtas ang kahabaan ng CM Delos Santos Ave., Brgy. Banaybanay, Amadeo, Cavite patungo sa direksyon ng Amadeo town proper, nang ratratin ng riding in tandem bandang alas-9:44 ng umaga na ikinabigla ng pitong pasahero nito.
Matapos ang pamamaril, tumakas ang mga suspek sa direksyon ng southbound.
Nakuha sa pinangyarihan ng insidente ang bala ng kalibre .45 at dalawang piraso na cartridge case ng kalibre .45.
Nagsagawa ng backtracking sa CCTV ang pulisya para sa posibleng pagkakakilanlan at posibleng pag-aresto sa mga suspek.
(SIGFRED ADSUARA)
94 