DOJ WALANG DIREKTANG PAPEL SA PLUNDER CASE NI MARCOLETA

NILINAW ng Department of Justice (DOJ) na wala itong direktang partisipasyon sa plunder case na kinakaharap ni Senador Rodante Marcoleta.

Ayon sa DOJ, ang Office of the Ombudsman at ang Office of the Special Prosecutor ang siyang nangangasiwa sa pagsasampa at pag-usad ng kaso sa Sandiganbayan.

Bagama’t may mandato ang DOJ sa paghawak ng ilang plunder cases, sinabi ng ahensya na limitado sa pagbibigay ng impormasyon sa publiko ang papel nito sa kasalukuyang usapin.

Samantala, iginiit ni Justice Undersecretary Nicholas Felix Ty na hindi minadali ng Sandiganbayan ang pagresolba sa motion to quash na inihain ni Marcoleta.

Ayon kay Ty, walang “mabilis” o “mabagal” sa naging aksyon ng korte dahil nakabatay ito sa sariling proseso at pagsusuri ng ebidensya.

Kasunod ito ng pahayag ni Marcoleta na agad na na-calendar at ibinasura ng Sandiganbayan ang kanyang motion to quash.

Sa hiwalay na briefing, ipinaliwanag nina Justice Undersecretary Ian Norman Dato at Ty ang legal na batayan ng kasong plunder at ang kaibahan ng pagsuko at pag-aresto.

Ayon kay Dato, hindi lamang public funds ang maaaring maging batayan ng plunder.

Tinukoy niya ang Republic Act No. 7080, Presidential Decree No. 46, at Article 211 ng Revised Penal Code, na nagsasaad na maaaring magkaroon ng pananagutang kriminal kapag tumanggap ang isang opisyal ng pamahalaan ng regalo, pera o anumang benepisyo mula sa pribadong indibidwal na may kaugnayan sa kanyang opisyal na tungkulin.

(JULIET PACOT)

79

Related posts

Leave a Comment