CUSTOMER, TINDERA NAOSPITAL SA KONTAMINADONG MINERAL WATER

NAOSPITAL ang isang kustomer at isang tindera matapos umanong makainom ng kontaminadong bottled mineral water na binili sa isang sari-sari store sa Barangay San Isidro, Antipolo City, Rizal.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, unang nakatikim ng tubig ang kustomer ngunit agad nitong napansin ang kakaibang lasa at mabahong amoy kaya isinumbong ito sa may-ari ng tindahan.

Tinikman din ng tindera ang laman ng bote upang beripikahin ang reklamo, ngunit nakaranas umano siya ng matinding hapdi sa bibig, hirap sa paghinga, at paso sa labi at dila, habang nakaramdam din ng masamang epekto ang kustomer.

Kapwa sila isinugod sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center para sa agarang gamutan.

Kinuha na ng pulisya ang bottled mineral water bilang ebidensya at isasailalim ito sa laboratory examination upang matukoy kung ano ang sanhi ng umano’y kontaminasyon.

Inimbitahan na rin ng mga awtoridad ang awtorisadong kinatawan ng manufacturer ng bottled mineral water bilang bahagi ng nagpapatuloy na imbestigasyon.

(NILOU DEL CARMEN)

63

Related posts

Leave a Comment