MALUGOD na tinanggap at pinuri ni Sulu Governor Sakur Tan at mamamayan ng Sulu ang pagtatalaga kay Amenah F. Pangandaman bilang Chairman at Chief Executive Officer (CEO) ng Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines (AAIIBP).
Ayon kay Tan, ang pagtatalagang ito kay Pangandaman ay maituturing na isang tagumpay para sa mga kapatid na Muslim lalo ito ang isa sa premier Islamic banking institution sa buong bansa na tunay na maipagmamalaki ng bawat Filipino Muslim.
“The Sulu Provincial Government and the people of Sulu extend our warmest congratulations to Honorable Amenah F. Pangandaman on her appointment as the Chairman and Chief Executive Officer of the Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines. Her transition to the helm of the country’s premier Islamic banking institution is a milestone that brings immense pride to Muslim Filipinos,” ani Tan.
Itinuturing din ni Tan at ng ating mga kapatid na muslim na hindi kayang kwestyunin ang kakayahan ni Pangandaman lalo na ang ipinakita nitong paglilingkod ng siya ay nanunungkulan bilang kalihim ng Department of Budget and Management (DBM).
Iginiit pa ni Tan na hindi matatawaran ang pagiging foundational expertise ni Pangandaman bilang Assistant Governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na maituturing sa kanyang angkin kaalaman at katalininuhan at husay pagdating sa usapin ng pag-iingat sa pananalapi na higit na makatutulong upang higit na mabigyan ng proteksyon at mapalago ang pananalapi ng ating mga kapatid na Muslim.
Umaasa ang ating mga kapatid na Muslim sa tagumpay at mabuting serbisyong maihahatid sa kanila ni Pangandaman para sa tunay na progreso ng bansa.
Nagpapasalamat naman si Pangandaman sa tiwala ipinagkaloob sa kanya ng mga kapatid niyang Muslim.
Tiniyak ni Pangandaman na gagawin niya ang lahat para pagsilibihan ang kanyang mga kapatid na Muslim at hinid bibiguin sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya.
Ang The AAIIBP ay isang government-owned and controlled corporation (GOCC) na nakuha ng Development Bank of the Philippines (DBP) noong 2008 at nagsimula noong 1973 sa ilalim ng presidential decree na nilagdaan ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, Sr.
84 