HOPE ni GUILLER VALENCIA
ISIPIN natin ang ating sarili bilang isang ilog o batis (river) imbes na isang sisidlan ng tubig (reservoir). Maraming tao ang nagiging reservoir, ginagawa ito bilang bahagi na rin ng kanilang paglago o personal growth upang magdagdag ng halaga sa kanilang sarili.
Katulad nila ang sisidlan ng tubig na tanggap lang nang tanggap para mapuno ang sarili. In contrast, ang ilog ay patuloy na dumadaloy o umaagos. Sabi nga, whatever water it receives, it gives away. Dapat ay maging ganoon tayo para sa pag-aaral at sa paglago natin. Nakakintal sa ating pag-iisip ang paniniwalang kasaganaan na patuloy tayong tatanggap.
Hangga’t nakatuon tayo sa personal growth natin, hindi natin mararanasan ang kakulangan at lagi tayong mayroon maibibigay. Ang pagbabahagi natin ng time, expertise, resources na walang inaasahang kapalit, ito’y isang kapahayagan na hindi tayo makasarili. Kung tayo ay gumagawa lang dahil may mabilis na kapalit, tayo’y hindi magiging masaya at hindi tayo makapagbibigay ng mabuti. Sa kabila, kung tayo ay patuloy na nagpupunla ng kasaganaan, tayo’y makasisiguro na aani ng masagana sa takdang panahon. Ganito ang panuntunan ng matatagumpay na mga tao, alam nila na sa takdang panahon sila’y aani. Sabi sa bibliya, “Kung ano ang itinanim ay siyang aanihin… at sa takdang panahon sila’y aani.”
Sa Old Testament ng bible, may istorya na kung saan si Propeta Elisha ay humingi ng pagkain sa balong babae na kaunti na lang ang langis at harina para makapagmasa ng tinapay. Sa kabila nito, ibinahagi ng balo kay Propeta Elisha ang pagkain. Sa istorya, imbes na maubos ang langis at harina sa lalagyan niya ay napansin niya na patuloy pang dumarami ang kanyang langis at harina. Totoo ang kasabihang, “The more you give, the more you receive or bless.”
Lalong higit ang dakilang Panginoong Diyos na nagbibigay o tumutugon sa ating pangangailangan. Kung ating iisipin, bago pa lang nilikha si Eva at Adan ay ibinigay o nilikha muna niya ang mga pagkain mula sa lupa, dagat at tubig na inumin. Kaya naman, sa lahat ng kumikilala sa kanyang kabutihan at kadakilaan siya ay pinapupurihan, pinararangalan at dinadakila, na ito ang tanging maibabalik ng lahat ng tumatanggap ng biyaya ng ating Panginoong Diyos.
Tanong mga kaibigan, naging blessing ba tayo sa ating kapwa? Nagiging good encourager ba tayo? Nagiging daluyan ba tayo ng kabutihan? Nagbabahagi ba tayo ng mga pagpapala na ating tinatanggap? Hopefully, maging river tayo kaysa reservoir! Kung ‘di pa, ngayon ang simula! Kung ‘di pa natin nagagawa, ask God dahil may way siya, pangako niya sa Isaiah 43:19, “I will make a pathway through wilderness; I will create rivers in dry wasteland.” God bless us all! (giv777@myyahoo.com)
52 