SAN RAFAEL POLICE CHIEF, 3 TAUHAN SIBAK SA MISTAKEN IDENTITY

SINIBAK sa puwesto ang hepe ng San Rafael Municipal Police Station sa Bulacan at tatlo nitong tauhan kaugnay ng insidente ng umano’y sapilitang pagsakay sa isang negosyante dahil sa mistaken identity.

Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Melencio Nartatez Jr., na nagsabing ipinatupad ang relief sa police chief batay sa prinsipyo ng command responsibility.

Sa ulat, isang negosyante ang umano’y sapilitang isinakay ng tatlong pulis noong Huwebes ng gabi sa Baliuag, Bulacan.

Sa ambush interview sa Camp Crame nitong Biyernes ng umaga, sinabi ni Nartatez na inalis sa puwesto ang hepe ng San Rafael Police Station dahil sa command responsibility kaugnay ng insidente.

Batay sa reklamo ng negosyante, nilapitan siya ng mga lalaking nagpakilalang pulis at sapilitan umano siyang isinakay sa sasakyan.

Tumanggi umano siyang sumama sa mga ito dahil wala silang maipakitang warrant of arrest o anumang kaukulang dokumento.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Police Regional Office 3, napag-alamang nagkamali ng pagkakakilanlan ang mga pulis sa taong kanilang hinahanap.

Bilang bahagi ng pag-relieve sa pwesto, isinuko na rin ng mga pulis ang kanilang service firearms.

(TOTO NABAJA)

101

Related posts

Leave a Comment