Bomb scare sa Senado IMPROVISED EXPLOSIVE DEVICE NAKITA SA INABANDONANG ‘PACKAGE’

TINIYAK ni Senate President Sherwin Gatchalian na walang anomang uri ng intimidasyon ang maaaring makahadlang sa trabaho ng Senado para sa mamamayan.

Ginawa ito ng Senate leader kasabay ng pagkondena sa pagtatangkang maghasik ng pananakot malapit sa Senado sa gitna ng State of the Nation Address ng Pangulo.

Inatasan ni Gatchalian ang Office of the Sergeant-at-Arms na makipag-ugnayan sa Philippine National Police at sa Explosive Ordnance Disposal unit para sa pagsisiyasat sa natagpuang package malapit sa Senado na naglalaman ng improvised explosive device.

Nanawagan din si Gatchalian sa PNP at iba pang mga awtoridad na magsagawa ng masusi at impartial investigation sa insidente upang matukoy kung sino ang nasa likod nito at malaman ang motibo.

Umapela rin siya sa publiko na manatiling kalmado, vigilante at agad na ireport ang anomang kahina-hinalang aktibidad.

Sinabi naman ni Senate Sgt At Arms head retired Police Major Gen. Alfred Corpus na magpapatupad sila ng dagdag na security measures matapos makumpiska ang isang package na naglalaman ng improvised explosive device.

(DANG SAMSON-GARCIA)

67

Related posts

Leave a Comment