Sa ikalawang regular na sesyon 5 PANGUNAHING USAPIN TUTUTUKAN NG SENADO

PORMAL na binuksan kahapon sa pamumuno ni Senate President Sherwin Gatchalian ang 2nd regular session ng 20th Congress bago ang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. (DANNY BACOLOD)

LIMANG pangunahing usapin ang tututukan ng Senado sa ikalawang regular na sesyon ng 20th Congress upang matugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng publiko.

Sa kanyang opening speech, sinabi ni Senate President Sherwin Gatchalian na prayoridad ng Senado ang mga isyu sa presyo ng mga pangunahing bilihin, sahod, hanapbuhay, imprastraktura at transportasyon.

Tiniyak ni Gatchalian na isusulong nila ang pag-amyenda sa Rice Tariffication Law, pagtataas ng income tax exemption, pag-amyenda sa Oil Deregulation Law, pagpasa ng Masterplan for Infrastructure Development Bill at Magna Carta for MSMEs.

Sa pagbubukas ng sesyon, inaprubahan ng mga senador ang resolusyon para sa pormal na pagbubukas ng ikalawang regular na sesyon at ang pakikiisa sa joint session ng Kongreso para sa pakikinig sa ikalimang SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

(DANG SAMSON-GARCIA)

40

Related posts

Leave a Comment