P27-M ILLEGAL FIRECRACKERS ITINURN-OVER NG BOC SA PNP-FEO

ILLEGAL FIRECRACKERS

Itinurn-over na ng Bureau of Customs-Port of Manila (BOC-POM) ang mga nakumpiskang illegal firecrackers sa Philippine National Police-Firearms and Explosives Office (PNP-FEO).

Isinagawa ang turnover ceremony kamakailan sa blasting area sa Sta. Juana, Capas, Tarlac.

Napag-alamang, nakalagay umano sa tatlong 40-foot containers ang nakumpiskang iba’t ibang firecrackers na tinatayang umabot sa halagang P27 milyon.

Naka-consign umano ang naturang kargamento sa Power Buster Marketing, Blue Harbor Comm at King’s Empire Asian Marketing na idineklarang  footwear, bedsheet, at tarpaulin.

Ang nasabing importas­yon ay malinaw umanong lumabag sa Republic Act 7183 o An Act Regulating the Sale, Manufacture, Distribution of Firecrackers and Other Pyrotechnic Devices at Section 1113 (f) of Republic Act 10863 or CMTA (Property subject to Seizure and Forfeiture).

Ibinigay ang containers ng BOC-POM sa PNP-FEO para sa tamang disposisyon na naayon sa Section 1146 ng CMTA (Disposition of Regulated Goods).

Ang pagkakasabat ng nasabing mga paputok ay bahagi pa rin ng mahigpit na kampanya ng BOC laban sa mga hindi nagbabayad ng tamang buwis.   (Jo Calim)

230

Related posts

Leave a Comment