(NI ABBY MENDOZA)
INAASAHANG mahaba pa ang sakripisyo ng ilang residente sa kakulangan ng supply ng tubig sa patuloy pa na pagbaba ng water level sa Angat Dam na syang nagsusupply ng tubig sa mga residente ng Metro Manila.
Sa pinakahuling monitoring ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Adminiatration (Pagasa) nasa 159.45 meters ang level ng tubig sa dam na nasa below critical level na 160 meters habang ang normal level ay 180 meters.
Ayon sa Pagasa, sa katapusan pa ng buwan ng Setyembre inaasahan na mapupuno ang 210 meters na Angat Dam sa pagpasok ng dalawang malalakas na bagyo.
Samantala, tumaas naman ang water levelsa La Mesa Dam sa Quezon City matapos ang pag-uulan kamakalawa ng gabi.
Sa ngayon ay nasa72.16 meters ang tubig sa La Mesa Dam na mataas kumpara sa 72.06 na naitala noong nakaraang araw.
Ang lagay naman ng ilang dam batay sa monitorng ng Pagasaay Ipo Dam: 99.41 meters, Ambuklao Dam: 741.67 meters,Binga Dam: 568.59 meters, San Roque Dam: 231.04 meters,Pantabangan Dam: 189.76 meters, Magat Dam: 180.98 meters at Caliraya Dam: 286.37 meters
