(NI BETH JULIAN)
NANGAKO si Pangulong Rodrigo Duterte na bibigyan ng pabahay, trabaho at kabuhayan ang mga rebeldeng susuko sa pamahalaan.
Ito ang paraan ng Pangulo para makumbinsi ang mga rebelde na magbalik-loob sa pamahalaan at magbangong buhay.
Sinabi rin ng Pangulo na handa siyang makipag-usap sa local communist leaders.
Kasabay nito, nagbabala naman si Duterte sa mga may-ari ng lupang nakatakdang isailalim sa agrarian reform at tutol sa pamamahagi nito sa mga benepisyaryo.
Sa kanyang talumpati sa Tagum City, iginiit ng Pangulo na nararapat lamang na maibigay na ito sa mga benepisyaryo.
Sinabi pa ng Pangulo na may ilang mayayaman sa ilang siyudad at probinsya ay tinatapik ang ilang armadong grupo para kontrahin ang land reform.
Alam ng Pangulo na may insurgency problem sa bansa dahil na rin sa kakulangan ng gobyerno sa pagbibigay sa publiko ng serbisyo.
Hinimok ng Pangulo ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict, Task Force Balik-Loob at kanilang local counterparts na mag-doble kayod para resolbahin ang insurhensya.
181