NUTRIBISKWIT BUBUHAYIN VS ‘CHILD ZOMBIES’

mal44

(NI NOEL ABUEL)

BUBUHAYIN ni Senador Imee Marcos ang nutribiskwit na kahalintulad ng nutribun na ipinakakain sa mga estudyanteng nasa grade school noong dekada ’70.

Ayon kay Senador Imee Marcos nababahala ito sa dumaraming bilang ng tinatawag na ‘Child Zombies’ o mga batang hindi na lumalaki ang utak at underweight.

Aniya, base sa pag-aaral ng Child nutrition research, 1/3 ng mga bata sa bansa ang bansot o maliit  kung saan 95 bata ang namamatay kada araw dahil sa malnutrisyon habang 27 sa bawat 1,000 bata ang hindi na umabot ng 5-taong gulang.

Sinabi pa ni Marcos na nananatili ang Pilipinas sa 9 na bansang may pinakamataas na bilang ng mga batang bansot maliban pa sa walang alam ang publiko sa mga programa ng pamahalaan kontra malnutrisyon.

Maliban pa aniya sa nutribiskwit ay isusulong ni Marcos ang pagrepaso sa action plan ng Department of Health (DOH) noong 2017 para sa nutrition intervention.

Gayundin ang 120-day program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para malaman ang sitwasyon ng nutrisyon ng mga bata.

163

Related posts

Leave a Comment