BOC-BATANGAS MULING NAKAKUHA NG ISO CERTIFICATION

BOC-BATANGAS

(Ni JOEL O. AMONGO)

Inaasahang mas lalo pang gaganda ang serbisyo ng Bureau of Customs (BOC) Port of Batangas matapos mai-award dito ang recertification ng International Standardization Organization (ISO) 9001:2015 Quality Management System.

Nitong nagdaang Agosto 2, natanggap ng   nasabing port  ang kanilang award para sa kumpletong  recertification audits para sa ISO 9001:2015 Quality Management System sa pamamagitan ng TÜV SÜD Philippines.

Pumasa ang  BOC-Port of Batangas  sa annual surveillance audits simula taong 2012 dahilan upang pagkalooban ito ng ISO certification.

Bunga na rin ito ng  pagsisikap ng mga tauhan ng  Port of Batangas katuwang din ang  Bureau of Customs Quality Management System Coordinating Team.

Pinangunahan ni Customs Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero ang  pagbibigay ng award at bumati sa BOC-Batangas para sa panibago nitong  gawain.

Bahagi pa rin ito ng  10-point priority program ng commissioner na ang layunin pa rin ay makapaghatid ng may kalidad na serbisyo sa mga stakeholders.

“By 2019, we will start the ISO certification process of the Bureau of Customs to further boost our Customs services as well as our internal systems and processes. Through this effort, we can rebuild the Bureau’s integrity and gain the trust and confidence of the public,” ayon sa   Customs chief.

Binigyang  diin pa ng opisyal na kailangan ng programang pangreporma sa  BOC para magkaroon ito ng kredibilidad at mapairal ang transparency bilang isa pa ring mapagkakatiwalaang ahensya ng gobyerno.

142

Related posts

Leave a Comment