PULIS NA TATANGGAP NG REGALO KAKASUHAN

pnpgift44

(NI JG TUMBADO)

KAKASUHAN pa rin ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) hanggang matanggal sa serbisyo ang sinumang pulis na mapatunayang tumanggap ng anumang regalo kapalit ng kanilang serbisyo.

Ito ang nananatiling babala ng PNP sa kanilang hanay kasunod ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na maaari umanong tumanggap ng regalo ang mga pulis bilang “out of gratitude” o pasasalamat.

Sa kanyang talumpati nitong Biyernes ay tinawag din ng pangulo ang pina iiral na batas sa ilalim ng Anti-Graft law na “kalokohan” ang pagbabawal sa sinomang tauhan ng gobyerno na tumanggap ng anumang regalo.

“Our intensified campaign on internal cleansing is ongoing and we will never hesitate to investigate and charge PNP personnel found doing illegal acts,” pahayag ni PNP spokesperson
Brig. Gen. Bernard Banac nitong Sabado.

“At any rate, the PNP remains to be bound by rules that govern our conduct under any given situation,” dagdag pa ni Banac.

Ipinuntong muli ni Banac na dapat silang sumunod sa istriktong pinaiiral na batas sa ilalim ng Republic Act 6723 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for government officials and employees.

Pinaalahanan muli ng PNP ang publiko na hindi na kailangan pang magbigay ng anumang regalo sa mga pulis dahil mandato o trabaho nila ang magbigay serbisyo sa mamamayan.

“We always explain to the public that there is no need for them to give gifts as we are just doing our job and we get paid by the Filipino people through our salaries,” saad pa ni Banac.

190

Related posts

Leave a Comment