TUBIG SA ANGAT DAM TUMAAS NG 10 METRO SA CRITICAL LEVEL

angatdam77

(NI DAHLIA S. ANIN)

MAKARAAN ang ilang araw na pag ulan dala ng bagyong Hanna at ng hanging Habagat, tumaas na ng mahigit sa 10 metro mula sa critical level ang antas ng tubig sa Angat Dam ayon sa monitoring ng Pagasa.

Tumaas na sa 172.31 meters ang lebel ng tubig sa dam mula sa 170.88 noong Biyernes.

Maging ang La Mesa dam ay tumaas din sa 76.34 meters, mula sa 76.05 meters.

Ang dalawang nasabing dam ang pinanggagalingan ng 96% suplay ng tubig sa Metro Manila at ilang kalapit na probinsya.

Bahagya namang tumaas ang Ipo dam sa 100.96 mula sa 100.93. Maging ang Ambuklao dam ay patuloy din sa pagtaas na umakyat na sa 749.97 mula sa 748.60.

Ang Binga dam din ay tumaas sa 573.85 mula sa 573.35, gayundin ang San Roque dam na mula sa 234.42 meters ay tumaas sa 235.38.

Tumaas din sa 192.12 meters ang antas ng tubig sa Pantabangan dam mula sa 191.62 at ang Caliraya dam na tumaas din sa 286.31 mula sa 286.24.

Bahagya naman bumaba ang lebel ng tubig sa Magat dam sa 185.39 mula sa 185.46.

 

228

Related posts

Leave a Comment