FAST LANE SA GURO,  PAMILYA SA GOV’T HOSPITAL ITINUTULAK

teachers12

(NI BERNARD TAGUINOD)

BILANG pagkilala sa sakripisyo ng mga public school teachers sa kanilang trabaho sa kabila ng napakaliit ng sahod, bibigyan ang mga  ito ng spesyal na pagtrato kasama na ang kanilang pamilya sa mga public hospital sa bansa.

Ito ang nakasaad sa House Bill (HB) 3759 na inakda ni Cagaya de Oro City Rep. Rufus Rodriguez upang matulungan umano ang mga public school teachers kapag nagkakasakit ang mga ito at maging ang miyembro ng kanilang pamilya.

Ayon sa mambabatas, bukod sa pagtuturo at substitute parents ng mga kabataan, nagsisilbi din ang mga ito sa tuwing eleksyon kaya nararapat lamang na suklian ang kanilang serbisyo dahil loyal ang mga ito sa kanilang trabaho kahit napakaliit ang kanilang suweldo.

“”Due to the complexities of their job, our teachers are exposed to health risk such as pharyngitis, hypertension, anemia, hyperacidity and lung related diseases, anong others. There is a need therefore to provide special attention to our teachers, especially on their health concerns,” ani Rodriguez sa kanyang panukala.

Dahil dito, nais ng mambabatas sa kanyang panukala na tinawag na “Teachers Hospital Benefits Act” na maglaan ang bawat government hospital ng tig-30 hospital bed  para sa mga guro at kanilang mga dependent upang kapag nagkasakit ang mga ito ay agad silang maasikaso.

Magkakaroon ang mga ito ng fast lane sa lahat mga public hospital na karaniwang ginagawa lamang kapag nagkaroon ng epidemya tulad ng dengue.

“This way (fast lane), teachers will be assured of easy access to their hospitalization needs,” ayon pa sa Kongresista.

Maliban dito, kailangan umanong itaas ng 10% ang benepisyong ibinibigay ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth)  at discount sa hospital bills sa mga lahat ng mga public school teachers at kanilang mga kaanak sa pagpapagamot o kaya pagkonsulta sa mga doctor.

“The provision of special discounts and increase in health insurance coverage will surely lessen the burden of paying the high cost of medication and consultations,” ayon pa sa mambabatas sa kaniyang panukala.

166

Related posts

Leave a Comment