DAGDAG-BENEPISYO SA BRGY OFFICIALS UMUUSAD NA 

(NI NOEL ABUEL)

NANINDIGAN ang ilang senador na mahalaga ang pagpasa sa panukalang Magna Carta para sa lahat ng barangay workers sa buong bansa upang mapagkalooban ng dagdag benepisyo sa mga ito.

Nagkakaisang sinabi nina Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., at Senador Christopher Lawrence  ‘Bong’ Go, na nagsabing panahon nang mabigyan ng disenteng dagdag-sahod at dagdag benepisyo sa mga opisyales ng barangay at kanilang tauhan.

“Ang layunin naman natin dito, kung paano tayo makakatulong sa barangay. Kung ano talaga ‘yung mapag-usapan natin at kung ano talaga ‘yung available funds na makakatulong sa kanila,’ yun ang pagtulungan nating maipasa,” ani Revilla.

Tinukoy naman ng mga kinatawan mula sa Department of Budget and Management (DBM) na ang budget para sa probisyon ng dagdag-suweldo at dagdag-benepisyo para sa mga opisyal ng barangay at mga manggagawa nito ay maaaring magmula sa Internal Revenue Allotment (IRA) ng kani-kanilang unit sa lokal na pamahalaan.

Kumbinsido rin si Revilla sa panukala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na hindi lamang duties and responsibilities  ang dapat ituro sa mga opisyal ng barangay, dahil bilang sila ang tanging  binigyan ng mandato ng constitution hinggil sa executive, legislative at judicial powers, dapat din silang alalayan sa pag-develop ng kanilang   income-generating acumen para matulungan silang mapalaki ang kanilang annual revenue.

“We all know that the barangay and its officials are the immediate provider of frontline services to our fellow countrymen. Sila ang pinakaunang tinatakbuhan ng ating mga kababayan. And it is because of this reason that we have to further improve the barangays and address the woes of our barangay officials,” sabi pa ni Go.

 

199

Related posts

Leave a Comment