Labing-tatlong bilanggo ang iniulat na nasugatan matapos sumiklab ang sunog sa Antipolo City Jail sa Barangay San Jose, Antipolo City dakong ika- 8:00, Huwebes ng gabi.
Batay sa ulat, nagtamo ng 1st hanggang 2nd degree burn ang karamihan sa mga inmate na dinala sa Antipolo District Hospital, maliban sa isang bilanggo na nabalian umano ng braso sanhi ng stampede.
Samantala, sa inisyal na ulat, siyam sa 13 bilanggo ang nakabalik na sa Antipolo City Jail. Inaasahang mabibigyan din ng clearance mula sa doktor ang natitirang mga inmate.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), umabot sa ikalawang alarma ang sunog na nagsimula pasado alas-8 ng gabi.
Idineklara itong under control dakong 8:41 at fire out bago mag ika- 9 ng gabi.
Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang BFP kung ano ang sanhi ng sunog, at kung gaano kalawak ang pinsalang idinulot nito sa bilangguan. (Mga kuha ni ROMY AQUINO)
188