MAGSASAKA SAGIPIN – SOLON 

(NI NOEL ABUEL)

“HUWAG hintaying patay na ang kabayo, ipatupad na ang mga magsasalba sa mga magsasaka”.

Ito ang giit ni Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan dahil sa umano’y sinasapit na problema ng mga magsasaka sa bansa kung kaya’t naaalarma na ito na posibleng tuluyang malugi ang mga ito.

Aniya, base sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), sa loob ng walong taon ay bumagsak ang presyo ng palay sa P15.96.

Idinagdag pa nito, ang mas mababa ito sa 1.5  porsiyento noong nakalipas na linggo at 30.1 porsiyento kung ikukumpara noong nakalipas na taon.

Naitala ang pinakamababang presyo ng palay sa lalawigan ng Bulacan kung saan ang presyo nito ay binebenta ng P10 kada kilo, mababa sa tinatayang production cost na P12 kada kilo.

“Lugi na po ang ating mga magsasaka. Nagbungkal, nagtanim, nag-ani na ang mga rice farmer natin, pero lugi sila,” sabi ni Pangilinan.

“At dahil krisis na ang kalagayan ng ating mga magpapalay, kailangan talagang unahin na ang cash assistance, na buod ng ating Senate Joint Resolution 2, which we filed September 5. Sumasang-ayon dito sina Agriculture Secretary Dar at Finance Secretary Dominguez, at maging ang mga kasama natin sa Senado at House of Representatives,” paliwanag pa nito.

 

375

Related posts

Leave a Comment