(NI NOEL ABUEL)
DAPAT gamitin ang mga abandonadong lupang pag-aari ng pamahalaan para magamit na pagtaniman ng mga pagkain bilang tugon sa kahirapan sa bansa.
Ito ang panawagan ni Senador Francis Pangilinan sa gobyerno kung saan dapat aniyang samantalahin ang mga bakanteng lupa na pag-aari ng pamahalaan para pagtaniman ng mga gulay at iba pang pagkain.
“Sa ating mga tahanan, pwede tayong mag-umpisa sa pagtatanim ng mga herb gardens, kahit sa mga paso. Bukod sa ligaya sa matitipid sa grocery bills, meron pang ligaya sa pagpitas at pagkain ng sarili mong ani,” sabi ng senador.
Inihalimbawa pa ni Pangilinan ang ginagawa nito sa kanyang tahanan sa lalawigan ng Laguna na ginamit ang bakanteng lupa nito para magtanim ng iba’t ibang gulay.
“Apat ang sasaguting problema ng panukalang batas: kahirapan sa kalunsuran, food security, community building, at urban environment management. Mas maaliwalas ang ating mga siyudad kung merong mga pananim. Mas sariwa ang hangin. Mas maginhawang pagsasamahan sa komunidad,” sa inihain nitong panukala.
Dapat aniyang kumilos ang Department of Agriculture (DA) at Department of Science and Technology (DOST) na maglunsad ng state-of-the-art technologies sa urban agriculture at vertical farming.
“Aside from granting incentives to constituents who actively participate in urban farming, the bill says local government units need to formulate policy on the practice, particularly on the use of unused spaces and idle lands,” sabi pa ni Pangilinan, sa Senate Bill 257.
231