PNEUMONIA, GAANO KADELIKADO?

Pneumonia-1

Ang pneumonia ay isang uri ng lung infection na may antas mula sa pagiging mild hanggang sa maging malala ito na kinakailangan ng agarang pakikipag-usap sa doktor para agad na maagapan.

Nangyayari ito kapag ang impeksyon ay nagiging sanhi upang ang air sacs sa inyong baga (alveoli ang itatawag dito ng inyong doktor) ay nagkakaroon ng fluid o nana. Ang kondisyon na ito ay masusundan ng dahilan para ang isang pasyente ay mahirapan nang huminga. Ito ay dahil kulang sa tamang hangin ang umaabot sa inyong bloodstream.

Kahit sino sa atin ay maaaring dapuan ng sakit na ito. Ngunit mas delikado ito sa mga batang may edad lima pababa at matatandang may edad 65 pataas. Ito ay dahil ang kanilang immune system ay hindi sapat ang lakas para malabanan ang naturang sakit.

Ang pneumonia ay pwedeng tumama sa isang baga lamang o sa dalawa nito. Maaari ka ring magkaroon nito nang hindi mo nalalaman kung saan ang tawag dito ng doktor ay “walking pneumonia”. Ang mga sanhi nito ay kinabibilangan ng bacteria, viruses, at fungi.

Tandaan na kung ang iyong pneumonia ay nagmula sa bacteria o isang virus, maaari mong maikalat ito – pwede kang makahawa ng kahit na sino.

Ang lifestyle habits, tulad ng paninigarilyo, pag-inom ng sob­rang alak ay maaari ring maging sanhi para tumaas ang tsansa na dapuan ka ng pneumonia.

MGA SINTOMAS NG PNEUMONIA

Ang mga sintomas ng sakit na ito ay depende sa kung ano ang sanhi ng inyong pneumonia, sa inyong edad, at kabuuang kalusugan. Nade-develop ang sakit na ito matapos ang ilang araw.

Ang pinakapangkaraniwang mga sintomas ng pneumonia ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

hard to breathe* pananakit ng dibdib sa tuwing hihinga o uubo

* ubong naglalabas ng plema o sipon

* sobrang kapaguran at kawalan ng ganang kumain

* pagkakaroon ng lagnat, pamamawis, at pakiramdam na giniginaw

* pagduduwal, pagsusuka, at pagdurumi

* kakapusan sa paghinga

Kabilang din sa mga sintomas na nabanggit, ang matatanda at mga taong may mahinang immune system ay maaa­ring mahirapan sa pag-iisip o may kalituhang pakiramdam. Maaari rin silang makaranas ng mababang temperatura ng katawan.

Ang mga bagong panganak na mga sanggol o ang mga sobrang bata pa ay maaaring hindi kakitaan ng anumang impeksyon. Maaari rin silang makaramdam ng pagduwal, lagnatin, ubuhin, kakitaan ng pagod o sobrang kapaguran.

Newborns and infants may not show any signs of infection. Or they might vomit, have a fever and a cough, and seem restless or tired.

MGA SANHI NG PNEUMONIA

SmokingAng mga bacteria, viruses, o fungi ay maaaring maging daan sa pagkakaroon ng pneumonia.

Ilan sa mga matitinding sanhi:

* Flu viruses

* Cold viruses

* RSV virus (ang top cause ng pneumonia sa mga sanggol na may edad 1 taon o mas mababa pa)

* Ang bacteria na tinatawag na Streptococcus pneumoniae at Mycoplasma pneumoniae

Ang ibang mga tao o pasyenteng nasa ospital ay nakakakuha ng “ventilator-associated pneumonia” kapag nakakuha sila ng impeksyon habang gumagamit ng isang ventilator, ang isang machine na tumutulong sa iyo para makahinga.

Kung ikaw ay nakakuha ng pneumonia habang ikaw ay nasa ospital at hindi gumagamit ng isang ventilator, ito ay tinatawag na “hospital-acquired” pneumonia. Pero karamihan sa mga tao ang nakukuha nila ay ang “community-acquired pneumonia,” na ang ibig sabihin hindi nila ito nakuha sa ospital.

MGA DAPAT NA ITANONG SA DOKTOR

– Delikado ba ako sa pagkakaroon ng pneumonia?

Kahit sino ay pwedeng dapuan ng sakit na ito, ngunit may mga taong mas delikado sa pagkakaroon ng pneumonia.

– Anong bakuna ang dapat kong makuha?

Maaaring maiwasan ang sakit na ito. Kailangang magpabakuna kada taon upang maiwasan ang seasonal influenza. Ang flu ay ang pinakakaraniwang sanhi ng pneumonia, kaya ang pag-iwas sa flu ay mabuting paraan para maiwasan ang naturang sakit. Kailangang sumailalim sa pagpapabakuna laban sa pneumococcal pneumonia, ang pinaka-common na sanhi ng bacterial pneumonia, kung ikaw ay prone sa pagkakaroon ng uri ng pneumonia na ito. Ang pneumococcal pneumonia vaccine ay rekomendado sa lahat ng mga bata na may edad lima at para sa matatanda na mayroong specific risk factors.

MGA PAGSUSURI NG DOKTOR

Kakausapin kayo ng inyong doktor hinggil sa mga sintomas na inyong nararamdaman, maging ang inyong medical history. Ito ay bilang bahagi ng pagsusuri kung kayo ay may sakit na pneumonia.

Aalamin din ng doktor kung kayo ay naninigarilyo o kung may kasama kayong madalas na may sakit sa bahay, eskwelahan, o sa trabaho.

Kasama rin sa pagsusuri ay ang gagamitan kayo ng stethoscope upang mapakinggan ang lagay ng inyong baga.

Ilan pa sa mga pagsusuri:

– blood test kung mayroon kang senyales ng pagkakaroon ng bacteria

– chest X-ray para malaman kung may impeksyon sa baga at kung hanggang saan kumalat ito

– pulse oximetry para malaman ang level ng oxygen na nasa inyong dugo

– sputum test para malaman kung ang fluid na nagmula sa inyong baga upang malaman din ang naging sanhi ng impeksyon

Pneumonia FAST FACTS

baby with pneumonia– Kahit sino ay maaaring dapuan ng pneumonia ngunit pangkaraniwan talaga ito sa mga bata at matatanda

– Ang pneumonia ay pumapalo sa 15 porsyento bilang dahilan ng kamatayan ng mga batang may edad limang taon sa buong mundo kung saan noong 2017, umabot sa 808,694 ang nasawi

– Ang sakit na ito ay maaaring pagsimulan ng komplikasyon at kamatayan

– Ang pneumonia ay maaaring sanhi ng viruses, bacteria, o fungi

– Ang sakit na ito ay maaaring magkaroon ng 30 mga sanhi

– Ang sakit na ito ay maaaring maiwasan sa pamamagitan ng pagbabakuna, tamang nutrisyon sa katawan at pagkakaroon ng kaalaman ukol sa environmental factors hinggil sa nasabing sakit

– Ang pagkakaroon ng kabuuang good health habits ay ang pinakasandigan para maiwasan ang pneumonia

– Ang pneumonia ay maaaring magamot sa pamamagitan ng anti antibiotics, ngunit tanging one third lamang ng mga bata na may pneumonia ang nakatatanggap nito

851

Related posts

Leave a Comment