“MALAKING kasinungalingan ang mga naging paratang ni Bernard Gumban, isa sa mga nagpakilalang 18 Ex-Marines, sa ginaganap na BOGUS BLUE RIBBON COMMITTEE HEARING”.
Ito ang mariing pahayag ni Sen. Erwin Tulfo matapos siyang idawit sa mga hinatiran umano ng maleta na naglalaman ng pera.
Ani Tulfo, “sobrang daming kasinungalingan, siya mismo ay litong-lito”.
“Una, sabi niya sa kanyang naunang sinumpaang salaysay, nag-deliver raw siya sa akin ng anim na medium-sized na maleta. Ngunit, galing na mismo sa kanyang bibig na dalawa (2) at anim (6) na maleta ang kanyang idinedeklara.
“Pangalawa, pati sa halaga ng diumano’y nilalaman ng mga maleta, nagkagulo-gulo na. Sabi dati, kapag small, 15 to 25 million ang laman tapos ngayon, 20-25 million”.
Samantalang sa medium, 30 to 40 million sa affidavit, tapos 40-50 million naman ngayon. Ano ba talaga? Tanong ni Tulfo.
Pahayag pa ng senador, “kapansin-pansin na pili lang ang mga binanggit nilang pangalan kahit na sa una nilang affidavit, marami ang idinawit nila tulad nina Sen. Loren Legarda, at Mark Villar.
Bakit sa “hearing” daw ay hindi na nakasama ang mga nasabing senador na nasa minorya na ngayon sa pamumuno ni Sen. Alan Cayetano?
“Ito ba ang sinasabi nilang IMPARTIAL investigation? Kapag kaalyado ligtas ka, kapag tagapagtuligsa, delikado ka?”
“Hindi na ito isang simpleng imbestigasyon, ito ay isang malinaw at planadong propaganda laban sa aking pagkatao at reputasyon. Walang puwang sa Senado ang mga fake news at trolls. Sana nag-FB Live na lang sila.” patutsada pa ni Tulfo.
“Magkita-kita po tayo sa lehitimong Blue Ribbon Committee Hearing sa Lunes,” pagtatapos nito.
100 