3 NAMEMEKE NG EMISSION TEST RESULT SINUSPINDE

dotr

(NI KEVIN COLLANTES)

TATLONG Private Emission Testing Centers (PETCs) ang pinatawan ng suspensiyon ng Department of Transportation (DOTr), sa pamamagitan ng kanilang Investigation Security and Law Enforcement Staff (ISLES), matapos matuklasang namemeke ng emission test results.

Batay sa advisory na ipinalabas ng DOTr, nabatid na kabilang sa mga PETCs na inisyuhan ng preliminary suspension order (Department Order 2016-017) ay ang Prima Smoke Emission Testing Center, na matatagpuan sa Balintawak St., Soledad, San Jose, Camarines Sur; Triple D Emission Test Center, sa Romulo Highway, San Vicente, Tarlac City at And 01 Emission Testing Center, sa Agora Poblacion, Tubod (Capital), Lanao Del Norte.

Ayon sa DOTr, epektibo ang suspension order sa loob ng 90-araw.

Nabatid na pinadalhan na ng DOTr ng kopya ng naturang suspension order ang mga sangkot na PETCs.

Gayundin, inimpormahan ng DOTr ang Information Technology (IT) Service Provider ng mga naturang PETCs hinggil sa suspensiyon.

Binalaan din sila ng departamento na mahaharap sa kahalintulad na parusa kung babalewalain ang kanilang kautusan, sa pamamagitan ng patuloy na pagproseso ng mga datos na isinusumite ng mga ito (PETCs) sa kanilang tanggapan.

 

313

Related posts

Leave a Comment