STATE OF CALAMITY SA CAMSUR HINILING

camsrubaha

HINILING ng Environment Disaster Management and Emergency Response Office kay Camarines Sur Governor Migz Villafuerte ang pagsasailalim sa lalawigan ng state of calamity matapos lumubog sa baha ang halos kalahati ng lalawigan.

Aabot din umano sa 174 barangay mula sa 26 mga bayan ang apektado ng baha. Naglilibot na sa lugar ang mga opisyal ng lalawigan upang mabatid ang pinsalang dinulot ng bagyong ‘Usman’. Nagsagawa rin ng pamamahagi ng relief goods sa mga evacuation center at mga residente na hindi na nakalikas.

Sa inisyal na pagtatala, nasa mahigit 5,000 ektarya na ng sakahan ang nasira habang aabot naman sa mahigit P10 milyon ang napinsala sa agrikultura.

179

Related posts

Leave a Comment