ILOG, SAPA AT ESTERO SA METRO MANILA PINAHAHANAP

PUNA

Pagkatapos ng ­‘clearing operations’ sa Metro Manila, gusto namang ipa­sunod ng mga taga-subaybay natin na hana­pin ang mga ilog, sapa at estero na tinakpan ng mga gusali.

Ito raw kasi ang pinagmumulan ng pagbabaha sa Metro Manila kasi nga nawala na ang mga importanteng daluyan ng tubig baha.

Kapag umulan nang malakas sa Rizal partikular sa Montalban, San Mateo at Antipolo, ang daloy ng tubig ay sa Marikina River at ­Laguna de Bay na kuma­kalat naman sa ibat ibang sapa, ilog at estero sa Metro ­Manila.

Ang tubig-baha ay sa mga kalye na dumadaloy.

Isa sa pinakamataas na lugar sa Metro Manila ang Quezon City na dati ay hindi binabaha pero ngayon ay nakararanas na rin ng pagbaha.

Kasama na rin sa laging nakararanas ng pagbaha sa Quezon City ay ang ­Araneta Avenue na kung saan ay matatagpuan ang mahabang estero rito. Maging ang lugar ng Roxas District ng nasabi ring lungsod.

Ganoon din ang ­Espana Avenue sa Maynila ay kaun­ting ulan lang ay binabaha na.

Kung hindi man tuluyan na tinabunan ang mga ilog, sapa at estero sa Metro Manila ay pinaliit ito para palakihin ang lupa (property) ng mga nakatira sa mga tabi nito.

Wala na ‘yung mga tinatawag na espasyo (easement) mula sa ilog, sapa at estero papunta sa kinatatayuan ng anumang gusali.

Kung hindi tayo nagka­kamali, nakalagay sa batas na dapat ay nasa 3 metro dapat ang distansiya sa pagitan ng mga ilog, sapa at estero na kinatatayuang ng gusali o bahay,

Kung talagang susundin ang batas na ito ay marami ang mababaklas na mga gusali at bahay sa buong Metro Manila.

Kailangan palabasin ang mga nawawalang ilog, sapa at estero kung gusto natin maib­san ang pagbaha sa Metro Manila.

Subukan po kaya ng Department of Envioronment and Natural Resources (DENR) at Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) na magsagawa ng inspeksyon sa mga ilog, sapa at estero sa Metro Manila para malalaman nila kung totoo ang sinasabi ng ating mga taga-subaybay.

Idagdag pa riyan ang problema sa basura sa ­Metro Manila.

Nagbabara pa ang manholes dahil sa dami ng basura na itinapon kung saan-saan na tinatangay naman tuwing malakas ang ulan.

Kung hindi nagsabi si Pangulong Duterte sa kanyang SONA na paluwagin ang mga kalye sa lahat ng mga sagabal ay hindi kikilos ang LGUs.

Tagumpay ang ‘clearing operations’ ng LGUs sa kani-kanilang nasasakupan.

Kaya gusto ng mga taga-subaybay ng Puna na isunod na ang paghahanap sa mga nawawalang ilog, sapa at estero.

oOo

Nagpapasalamat po tayo kay Caloocan 1st District Cong. Along Malapitan sa ‘P30k guarantee letter’ sa ­aking anak na naospital sa Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital, Tala, Caloocan.

Madali nang hanapin, madali pang Malapitan! God Bless Po Cong.

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon mag-email sa joel2amongo@yahoo.com/­operarioj45@gmail.com (Puna / JOEL O. AMONGO)

434

Related posts

Leave a Comment