ALL OUT WAR VS VAPE, UMPISA NA 

(NI JG TUMBADO)

HUHULIHIN na ng pulisya ang sino mang maaaktuhang gumagamit ng vape at e-cigarettes sa pampublikong lugar sa buong bansa.

Ito ay alinsunod sa kautusan na ipinalabas ng pamunuan ng pambansang pulisya sa direktiba na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte, na tuluyan nang ipagbawal ang paggamit ng vape cigarettes sa buong kapuluan.

Ayon kay PNP spokesperson Police Brig. General Bernard Banac, naglabas na ng kautusan ngayong Miyerkoles si PNP Officer in charge Lt. General Archie Gamboa, kung saan inaatasan ang lahat ng police personnel sa buong bansa na mahigpit na ipatupad ang pagbabawal ng uri ng paninigarilyo gamit ang electronic vape cigarettes.

Inatasan na rin ni Gamboa ang PNP na makipag ugnayan sa bawat local government units at lahat ng ahensya at maging sa mga may-ari ng tindahan ng vape na sumunod sa direktiba ng Pangulo.

Una nang ipinag-utos ng Pangulo ang pagbabawal ng e-cigarettes Martes ng gabi kung saan sinabi nitong delikado ang paggamit nito sa kalusugan.

Binalaan din ni Gamboa ang mismong mga tauhan nito sa hanay ng pulisya na itigil na ang paggamit nito.

 

288

Related posts

Leave a Comment