CEASEFIRE SA SEA GAMES CONTROVERSY HININGI NI GO

(NI NOEL ABUEL)

“CEASEFIRE na muna para sa ating mga atleta”

Ito ang muling panawagan ni Senador Christopher Bong Go sa mga patuloy na nagbabatikusan at puro puna sa mga kapalpakan ng hosting ng  bansa  sa 30th South East Asian Games.

Sinabi ni Go na walang maitutulong sa mga atletang  Pinoy  ang patuloy na bangayan at sisihan.

Una nang tiniyak ng senador na bilang Senate Committee on Sports chairman ay handa itong pangunahan ang imbestigasyon sa mga kapalpakan pero dapat ito ay pagkatapos na ng  SEA games.

Siniguro ni Go na mayroong matatanggap na incentive o regalo ang mga atletang makakukuha ng  medalya  sa biennial meet.

Giit ni  Go, kilalang  galante ang Pangulo lalo na sa mga nagbibigay ng  karangalan sa bansa at ang mga gumagawa ng  kabayanihan tulad ng mga sundalo.

Ipinaalala rin ni Go na kamakailan lang  ay nakipagkita sila ng Pangulo sa 5 atletang  Pinoy na nag-uwi ng  gintong medalya kung saan binigyan niya ng  regalo ang mga ito.

159

Related posts

Leave a Comment