SIN TAX LAW RATIPIKADO NA SA KAMARA

sin tax law12

(NI ABBY MENDOZA)

NIRATIPIKAHAN na ng Kamara ang package 2+ ng Comprehensive Tax Reform Program na magtataas ng excise tax rates sa alcohol products, heated tobacco at vapor products sa bansa.

Ang nasabing panukala ay niratipikahan na rin sa Senado kaya inaasahang isusumite na ito sa Malacanang para sa pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ilalim ng panukala ang mga inuming distilled spirits ay papatawan ng ad valorem tax na  22 percent ng retail price at additional specific tax na P42 per liter sa taong  2020, P47 sa 2021, P52 sa 2022, P59 sa 2023 at P66 sa 2024 habang ang specific tax ay itaas ng 6 percent kada taon.

Ang mga still wines at sparkling wines ay papatawan ng  excise tax na P50 at itaas pa ng 6% kada taon.

Ang fermented liquors ay bubuwisan ng  P35 per liter sa 2020,P37 sa 2021, P39 sa 2022, P41 sa 2023 at P43 sa 2024 at ang kanilang rates of tax ay iataas ng 7% kada taon.

Samantala ang heated tobacco products ay papatawan ng excise tax rate na P25 per pack sa 2020, P27.50 sa 2021,P30 sa 2022 at P32.50 sa 2023 habang ang tax ay itaas ng 5% kada taon.

Sa  vapor products, salt nicotine ay papatawan ng excise tax na P37 per milliliter sa 2020 at P5 pa kada taon hanggang 2023.

Ayon kay Albay Rep, Joey Salceda, Chairman ng Houe Ways and Means Committee na inaasahang makalilikom ang gobyerno ng P24.9B dahil sa bagong ipapataw na tax.

Sa kikitain ng gobyerno ay  60 percent  ay ilalaan sa  Universal Health Care Law, 20 percent sa Health Facilities Enhancement Program at 20 percent sa development projects sa health sector.

209

Related posts

Leave a Comment