SHARON, GAGAWA NG PELIKULA KASAMA NG ANAK NIYA

NOEL FERRER - LEVEL UPAuspicious day ng pagsisimula kong muli sa pagsusulat – at nataon pang 54th birthday ng aking itinuturing na Nanay sa showbiz – ang Megastar Sharon Cuneta.

Kahit pa sabihin niya nasa retirement mode na siya, hindi pa rin mawawala sa ating diwa ang isang icon na katulad niya.

Nakakatuwa nga at nagpaunlak siyang mag-guest sa birthday at homecomng concert ng mahusay na singer-composer na si Odette Quesada sa January 18 sa BGC Arts Center. Mabibili ang mga tickets sa Ticketworld 8891-9999.

Bukod dito ay nakatakda ring i-tour nina Sharon at Regine ang kanilang ICONIC concert sa America, at heto ang sorpresa, gagawa ng maraming pelikula si Mega at ang isa roon – na siyang balita naming uunahin – ay ang pelikula nila ng kanyang anak (surprise kung sino) na intended sana for a Mothers’ Day release!

Yes, you read and heard it FIRST here in SAKSI ha! A Mega and daughter movie in 2020! This is quite a treat!!! Aabangan natin ito!!

oOo

ALFY,  BAGONG CRUSH NG BAYAN : MAY DUGONG PANG-SHOWBIZ

AlfySa murang edad na katorse, ipinagkakatiwala sa akin ng kapatid ni Rico Yan (si Ate Geraldine Yan-Tueres) ang pamamahala sa media career ng kanyang anak na si Alfonso Yan-Tueres na mas kilala sa pangalang Alfy.

Grade 8 pa lang si Afy pero maipagmamalaki ang kanyang academic record at star player siya sa kanilang baseball team. Siya ang youngest sa tatlong anak ni Ate Ge na bukod sa baseball, mahilig din siya sa basketball at sa video games.

May angking galing din si Alfy sa kusina – at hilig niyang magluto ng kanyang meals.

Baka hindi muna pag-aartista ang haharapin ni Alfy kundi ang paggawa muna ng commercials – katulad na lang ng Tito niyang si Rico na nagsimula sa “Sikreto Ng Mga Guwapo” Eskinol Master commercial hanggang sa tawagin na siyang “Crush Ng Bayan.”

Sana masundan ni Alfy ang kanyang Tito Rico bilang endorser at role nodel sa kabataan.

Good luck Alfy!

oOo

For reactions, recommendations and opinions, send a PM to my IG account – @iamnoelferrer . (LEVEL UP / The First Noel (Ferrer)

171

Related posts

Leave a Comment