P100-B HALAGA NG DROGA NAKUMPISKA SA 3 TAON — PNP

IPINAGMALAKI ng Philippine National Police (PNP) na umabot sa P100 bilyon ang halaga ng ilegal na droga na nakumpiska sa loob ng tatlong taon.

Ayon kay PNP Chief Jose Melencio Nartatez, resulta ito ng tuluy-tuloy at intelligence-driven operations laban sa mga sindikato ng droga.

Alinsunod aniya ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipatupad ang mga operasyon na may paggalang sa karapatang pantao at sa tuntunin ng batas.

Una nang sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla na tinatayang P99.5 bilyon ang nakumpiskang droga sa nakalipas na tatlong taon sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Iginiit ng PNP na magpapatuloy ang kampanya laban sa ilegal na droga, hindi lamang laban sa maliliit na gumagamit kundi lalo na sa malalaking sindikato.

(TOTO NABAJA)

6

Related posts

Leave a Comment