30TH SEAG FACILITIES NATABUNAN NG ASHFALL

Tagaytay Skatepark

MAGING ilang pasilidad na pinagdausan ng 2019 Southeast Asian Games ay hindi nakaligtas sa galit ng bulkang Taal.

Natabunan ng ashfall ang Tagaytay Skatepark na katatayo pa lamang at ginamit sa nakaraang SEA Games.

“As of 8am of January 13, Tagaytay Skatepark is now filled with ash from the Taal volcano’s eruption,” ulat ni Skateboarding and Rollerskate Association of the Philippines (SRAP) president Monty Mendegoria.

Base sa ipinadalang larawan ni Mondegoria kay woment’s cycling coach Marties Bitbit at nai-post ni Philippine Sports Commission Deputy Executive Director Atty. Guillero Iroy Jr. sa website ng PSC, napuno ng abo ang palibot ng skatepark.

Umabot din ang ashfall hanggang sa mga pasilidad ng Rizal Memorial Sports Complex kabilang ang football pitch, lawn tennis court at baseball field.

Dahil din sa pagputok ng Taal kaya’t hindi na tuloy ang PGT Philippine Golf Tour Asia sa Eagle Ridge Golf and Country Club sa Cavite.

Ang $100,000 ICTSI Eagle Ridge Invitational ay magsisimula sana ngayon sa Aoki course ngunit ililipat sa ibang venue sa north.

Ang naka-iskedyul naman na event sa susunod na linggo ay gaganapin sa Pradera Verde Golf and Country Club sa Lubao, Pampanga, ayon kay Eagle Ridge general manager Antonio Ocampo.  (ANN ENCARNACION)

206

Related posts

Leave a Comment