MULTI-MILLION NABUBULOK NA AGRICULTURAL PRODUCTS NAITAPON NA

TULUYAN nang naitapon sa wastong pamamaraan ng Bureau of Customs ang multi-milyong halaga ng nabubulok na agricultural products sa pamamagitan ng isinagawang proper condemnation at waste disposal sa isang waste facility sa Bulacan at Pampanga.

Ayon sa ulat ng BOC, nasa sa labinlimang overstaying na 40-footer reefer container van na naglalaman ng mga nabubulok na agricultural products, gaya ng karne, sibuyas at iba pang uri ng mga gulay mula sa nasabing pantalan, ang matagumpay nang naitapon sa pamamagitan ng isinagawang proper condemnation at waste disposal.

Ito’y matapos ipag-utos ni Bureau of Customs (BoC) Port of Subic District Collector Atty. Geniefelle P. Lagmay, mula sa direktiba ni Customs Commissioner Ariel Nepomuceno, bilang tugon sa reklamo hinggil sa umano’y masamang amoy na nagmumula sa mga abandonadong container van.

Sinasabing inabandona ang mga kargamento na nakaimbak sa mga refrigerated container van na karamihan ay naglalaman ng mga nabubulok na agricultural products na nakaimbak sa Container Terminal sa naturang pantalan.

Nabatid sa ulat na ang labinlimang naitapon ay bahagi ng 118 abandoned reefer containers na pinagmulan umano mabahong amoy.

Nabatid sa ulat, mabusising ipinatupad ng mga awtoridad ang condemnation process bago isinagawa ang proper disposal sa isang accredited at awtorisadong waste facility area.

Pinangunahan ni Customs Subic Auction Division chief Ronald Pinggoy Arzadon ang pagpapatupad ng proper waste disposal ng nabanggit na abandoned containers.

Kabilang din sa mga nagpatupad ng order of proper disposal ang mga kinatawan mula sa Department of Agriculture (DA), Bureau of Animal Industry (BAI) at Bureau of Plant Industry-Agriculture Inspectorate Enforcement.

Una nang inihayag ng BOC na pinag-aaralan nilang papanagutin ang importers at maging ang forwarders ng inabandonang imported agricultural products, dahil sa milyon-milyon din umano ang gagastusin ng pamahalaan para lamang sirain o sunugin ang inabandonang mga kargamento.

Magpapatuloy ang isasagawang condemnation at proper waste disposal sa mga nalalabing abandonadong container sa naturang pantalan.

(JESSE RUIZ)

43

Related posts

Leave a Comment