PINOY BOXING TEAM PALABAN SA CHINA

PH BOXING

Kahit may virus outbreak pa

HINDI mapipigilan ng pneumonia outbreak sa China ang mga boksingerong Pinoy sa paghahangad na makasungkit ng maraming tiket sa 2020 Tokyo Olympics.

Ayon sa Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP), palaban ang national boxing team kahit saan, kahit pa may pneumonia outbreak sa Wuhan, nasabing bansa.

Ito ang tiniyak ni ABAP Secretary General Ed Picson sa pagdalo niya sa lingguhang Philippine Sports-writers Association (PSA) forum kahapon.

Iginiit ni Picson, mismong International Olympic Committee (IOC) at World Health Organization (WHO) na ang nagpahayag na walang dapat ikabahala ang mga pupunta sa  Wuhan.

Sa ngayon ay nasa training camp sa Thailand ang Philippine boxing team kung saan nagsasanay sila ng husto para sa nalalapit na pagsabak sa Olympic qualifiers.

Umalis Linggo ng gabi ang national boxing team patungong Bangkok para sa dalawang linggong training camp na pinamumunuan ni World Championship silver medalist at three-time Southeast Asian Games champion Eumir Felix Marcial (middleweight), SEA Games gold medallists Carlo Paalam (light fly-weight), Rogen Ladon (flyweight) at James Palicte (light welterweight).

Sasanayin din sina Marjon Pianar (welterweight) at Ian Clark Bautista (bantamweight) sa ilalim nina na-tional team coach Ronald Chavez at Roel Velasco, at Australian consultant Don Abett.

Matapos ang training camp ay didiretso ang Pinoy boxers sa dalawang Olympic qualifiers upang ma-kasungkit ng mga tiket sa kada apat na taong torneo.

Gaganapin ang 2020 Asia-Oceania Olympic qualifying tournament sa Pebrero 3 hanggang 14 sa Wuhan, China habang ang isa pang Olympic qualifying event ay gaganapin sa Paris, France.   (ANN ENCAR-NACION)

404

Related posts

Leave a Comment