TUBID, SMB HIWALAY NA

WALA nang babalikan pa si Ronald Tubid sa San Miguel Beer.

Ito’y makaraang mag-expire ang kontrata ng 38-anyos na si Tubid nitong Enero, nang hindi na inoperan pa ng panibagong kontrata ng SMB.

Si Tubid ay kabilang sa tatlong Beermen na sinuspinde (indefinitely) ng management dahil sa gulong kinasangkutan sa praktis ng team noong Governor’s Cup.

Bukod sa kanya ay nasuspinde rin sina Arwind Santos at Kelly Nabong, habang ang central figure sa skirmish na si import Dez Wells ay tuluyang nilayasan ang Beermen, dahilan para maunsiyami ang grandslam bid ng koponan.

Ang 38-anyos na si Santos, isa sa mga key player sa five straight Philippine Cup championships ng Beermen ay nakabalik na muli sa team. Siya ay may nalalabi pang dalawang taong kontrata sa SMB.
Si Nabong naman ay na-trade sa NorthPort, bago pa nag-expire ang kontrata niya, kapalit ni Russel Escoto.

Nakaranas ng pitong championships si Tubid sa loob ng limang taon niya sa San Miguel Beer (2013-17 at 2018-19).  (EBG)

197

Related posts

Leave a Comment