PNP DETERMINADONG SOLUSYONAN ANG PABAGO-BAGONG SECURITY THREAT SA BANSA

KURDAPYO 

DETERMINADO talaga itong si PNP Chief Jose Melencio Nartatez Jr. na solusyonan ang mga bantang panseguridad, matapos pangunahan ang closing ceremony ng “IED Threat and Security Symposium” sa Boracay.

Ka-Toto, tinalakay sa symposium ang banta na may kinalaman sa iba’t bang security threat kabilang na ang Improvised Explosive Device (IED).

Layon sa nasabing symposium, mga Kurdapyo, ay ang pagpapalakas ng technical knowledge sa IED identification, analysis at investigation.

Nitong Hulyo 31, araw ng Biyernes, ay nagtapos ang nasabing symposium na dinaluhan ng 55 mga kalahok at ng ilang foreign counterparts kasama ang Lokal na Pamahalaan at iba pang stakeholders.

Syempre present dyan ang host na si PRO-6 director, PBGen. Randulf Tuaño, Directorate for Intelligence (DI) PBGen. Arnold Peralta Ardiente at Malay Mayor Frolibar Bautista.

Sinabi ni Nartatez, ang nasabing pagpupulong ay bahagi ng pinaigting ng security protocols nang sa ganoon ay maprotektahan ang publiko lalo na sa mga tourist destination sa bansa tulad sa Isla ng Boracay.

‘Yan si Sir, Tateng… gusto niya ligtas tayong lahat. Kayo mga Kurdapyo at Kurdapya, ano ang masasabi n’yo?

“The nature of threats and peace and order terrain are continuously evolving. We have to innovate and we have to continuously upgrade our knowledge and skills to ensure that we will be able to properly respond,” wika nito.

“When it comes to peace and order and security, the Philippine National Police should always be updated and not left behind,” dagdag pa niya.

Ayon naman kay PRO-6 Regional Director PBGen. Randulf Tuaño, malaki ang maitutulong sa local government units lalo na sa pagsasanay sa K-9 units upang ma-detect ang IED threats, hindi lang sa Western Visayas kundi maging sa buong bansa.

Ay abaw! Nalipay gid si Malay, Aklan Mayor Frolibar Bautista, dahil malaki ang maitutulong ng apat na araw na IED Threat and Security Symposium sa pagitan ng PNP, International Police at Federal Bureau of Investigation, sa pinaigting na seguridad sa mga matataong lugar lalo na ang Boracay Island na dinadayo ng mga turista.

59

Related posts

Leave a Comment