PDu30 muling binira ang Maynilad, Manila Water; IBALIK ANG PERA NG TAUMBAYAN

BINANATAN na naman ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga pribadong water concessionaire na Maynilad at Manila Water para ibalik ng mga ito ang perang ibinayad ng publiko para sa water services kung ayaw umanong na i-takeover ng gobyerno ang distribusyon ng tubig at serbisyo sakali’t tumanggi sila.

Sa naging talumpati ng Pangulo sa mass oath-taking ng mga bagong presidential appointees na idinaos sa Rizal Hall, Malakanyang kamakalawa ng gabi ay isinapubliko ng Pangulo ang ginagawang panliligaw umano sa kanya ng mga may-ari ng dalawang water concessionaire matapos gumawa ang pamahalaan ng renegotiated contracts noong nakaraang buwan para ikonsidera ng mga ito na pirmahan.

Dito muling kinastigo ng Pangulo ang Maynilad at Manila Water dahil sa pangongolekta ng mga ito ng pera simula pa noong 1997 gamit ang onerous contracts na unang nilagdaan ng mga ito subalit nabigo namang magbigay ng sapat na suplay ng tubig sa kanilang consumers.

Nakarating sa kaalaman ng Pangulo ang balita na may ilang bahagi ng Metro Manila ang nananatiling nakararanas ng water service interruptions.

“You guys have been collecting money since 1957 (na ang tinutukoy ay 1997) to build a something…and you have not even come up with a can of clean water or a canal there. So where is the money? Where is the money of the Filipino people?,” ayon sa Pangulo.

Noong nakaraang buwan ay sinisi ng Chief Executive ang mga water concessionaire sa matinding polusyon sa Manila Bay dahil sa kabiguan nitong makapagbigay ng tamang sewerage treatment plants (STPs).

Ani Pangulong Duterte, hindi na aniya mahalaga kung tatanggi ang mga may-ari ng water concessionaires na Ayala (Fernando Zobel de Ayala at Jaime Augusto Zobel de Ayala II) at Manny V. Pangilinan o MVP sa renegotiated contracts ng pamahalaan dahil kaya naman niyang i-nationalize ang water services at litisin ang mga ito sa kasong pandarambong o estafa.

“Give us back the money. Give it back to the people and maybe we can talk about solving your problem. It will not be the problem of this government. I am not afraid that there will be no water because I will just take over and nationalize water in the Philippines,” diing pahayag ng Pangulo. CHRISTIAN DALE

184

Related posts

Leave a Comment