MPBL Lakan Cup playoffs: 1 PANALO NA LANG SA DAVAO, ZAMBO

NAGTALA ng magkahiwalay na panalo ang Davao Occidental at Zamboanga sa Chooks-to-Go MPBL Lakan Season South division playoffs, Lunes sa at Rizal Memorial Colleges Gym sa Davao City.

Mula sa 11-point deficit sa third quarter, nangailangan ang Davao Occ. Tigers ng scoring spurts para ungusan ang Bicol Volcanoes, 77-71. Habang ang Zamboanga Family’s Brand Sardines ay tinalo ng Batangas City Athletics, 78-74.

Ang Tigers at Zamboanga ay isang panalo na lang para makausad sa semifinals.

Naiwan ang Tigers ng 13 points (34-21) sa second quarter at maging sa huling 6:44 ng third period, 33-44, nagsanib-puwersa sina Emman Calo, Mark Yee, Yvan Ludovice, Jayvee Mocon at Billy Robles nang magpasabog ng 15-2 salvo para agawin ang abante, 48-46.

Nagawa pang dumikit ng Volcanoes, seeded eighth, sa pamamagitan ng basket ni Chris Lalata, 58-57.

Pero, muling umatake ang Tigers, 14-5 run at ilayo ang iskor, 71-63, 2:48 na lang sa laro.

Si Yee ay may double-double na 20 points at 12 rebounds, habag may 18 points si Calo at 11 points at nine rebounds buhat kay Robles ay 10 points para kay Ludovice.

Noong nakaraang Sabado (Pebrero 15) sa pagsisimula ng North division quarterfinals, naitakas ng No. 1 San Juan Knights ang 75-74 win kontra No. 8 Pasay Voyagers; habang ang No. 4

Pampanga Giant Lanterns ay nagwagi laban sa No. 5 Bataan Risers, 71-64.  (VT ROMANO)

 

326

Related posts

Leave a Comment