3 PATAY SA SALPOK NG TRUCK

MISAMIS Occidental – Patay ang tatlong sakay ng pampasaherong van habang anim ang sugatan makaraan salpukin ng kasalubong na cargo truck, iniulat nitong Miyerkoles ng umaga sa lalawigang ito.

Kinilala ang mga namatay na sina Gerlie J. Abing, ng Pagadian City; Marlon Murcilla Benitez, 26, ng Brgy. Lower Pingkian Pitogo, Zamboanga Sibugay, at Daylinda Lapinig, residente ng Brgy. Kulisap, Payao, Zamboanga Sibugay.

Habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang mga sugatang sina  sina Theresa Lasaca, Mark Cesar Borja, Rhiana Marie Ebcay, Danilo Balumaaga, Fredo Villamor at Parami Ebcay.

Batay sa report ng Bonifacio Police Station, nangyari ang insidente sa Sitio Dupol, Barangay Bagumbang, Bonifacio, Misamis Occidental.

Lumabas sa paunang imbestigasyon, kapwa binabaybay ng van at cargo truck ang nasabing lugar nang bigla na lamang mag-overtake ang huli sa isang motorsiklo,

Bunsod nito, sinalpok ng cargo truck ang nasabing van na nagresulta sa agarang pagkamatay ng tatlong pasahero at ikinasugat ng anim na iba pa.

Nagpapatuloy ng imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente. (ANNIE PINEDA)

 

177

Related posts

Leave a Comment