DINAKIP ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Barangay Culiat, Quezon City.
Tinukoy ng QCPD ang suspek na si Adzman Tanjal, 32-anyos, nahaharap sa kasong illegal possession of firearms.
Una nang ipinatupad ng pulisya ang search warrant laban kay Tanjal na naninirahan sa Libyan Street, Salaam Compound ng naturang barangay.
Nasamsam ng mga awtoridad sa lugar ang isang MK-2 fragmentation hand grenade at isang kalibre .45 pistola na may mga bala.
Nai-turn over na ang suspek at ang nakuhang mga ebidensya, sa QCPD para sa tamang disposisyon. (JG TUMBADO)
209 