NAGPAKITA NA SA KATROPA PERO… POY ERRAM ‘DI NAGLARO

DUMATING si Poy Erram sa TNT game kontra Ateneo kahapon sa Moro Lorenzo Sports Center subalit bilang observer lang.

Unang araw na nagreport sa KaTropa ang 6-foot-9 na player makaraan ang masalimuot na trade deal na kinabibilangan din ng NLEX at Blackwater.

Matatandaan na kinuha ng TNT si Erram sa PBA draft noong 2013 subalit hindi siya pinapirma ng kontrata.
Huling lumaro si Erram sa NLEX bago na-trade sa KaTropa, na pinakawalan sina Yousef Taha, Marion Magat at Ed Dquioag para sa una.

Ayon kay Gilas Pilipinas interim coach at TNT consultant Mark Dickel, excited na siya na makasama sa TNT camp si Erram.

Nagkasama ang dalawa kamakailan sa Gilas kung saan nilampaso ng Philippine team ang Indonesia, 100-70, sa first window ng FIBA Asia Cup Qualifiers sa Jakarta.

“In the short time I worked with him in GIlas, I was so impressed with his mentality and basketball IQ. (He) picks things up well and has a real talent for the defensive end of the court,” papuri ni Dickel sa 30-anyos na si Erram.

Sa Season 44 ng PBA, nanguna si Erram sa shot blocks kung saan may average siyang 2.1 per game, kasama ang 11.7 points at 7.8 rebounds.

Nagtala naman siya ng five markers, two boards at two steals sa 18 minutong paglalaro sa Gilas kontra Indonesia noong nakaraang linggo.

Naniniwala rin si TNT coach Bong Ravena na ang pagdating ni Erram sa team ay makatutulong sa kanila sa opensa at depensa.  “Poy will be a big help for TNT both on offense and defense. He can shoot three’s and his presence in the middle on defense (is a major asset).”

218

Related posts

Leave a Comment