PAGTANGGI NG POWER COMPANY NI RAMON ANG PINABULAANAN PSALM: “UTANG N’YO P23.94 BILYON PA”

HINDI totoong wala nang utang sa pamahalaan ang San Miguel Corporation (SMC) na pag-aari ng bilyonaryong negosyante na si Ramon S. Ang, ayon sa Power Sector Assets and Liabilities Management Corp. (PSALM).

Sa isang statement, nilinaw ng PSALM na nasa P23.94 billion pa ang dapat bayaran ng SMC taliwas sa iginigiit nito na wala na silang utang.

Napag-alaman na ang sinisingil ng PSALM sa power firm ni Ang, kabilang ang unpaid P23.94 billion, ay base sa bid na isinumite mismo ng SMC sa PSALM noong April 2010 sa public bidding na

isinagawa para sa Ilijan Independent Power Producer Administration Agreement (IPPAA).

Sinabi ng PSALM na batid naman ng lahat ng bidders, kabilang ang SPPC, ang  terms ng IPPA agreement bago pa man isagawa ang bidding.

Paliwanag pa ng PSALM, bagama’t umabot na sa P314.6 billion ang naibayad ng SPPC, kulang pa rin ito kapag ang kailangang bayaran ay kinuwenta base sa bid na isinumite ng SMC  at sa IPPAA

formula para sa computing payables.

“As of December of 2019, SMC is still short of P23.94 billion,” ayon sa PSALM.

“It is not fair for SPPC to complain that it has already paid too much to PSALM, or that it needs to pay even more, because these payments are all based on SPPC’s own bid, a business judgement of

SPPC that it must honor regardless of any change in circumstances or any impact in its profit margin,” wika ni PSALM president and CEO Irene Besido-Garcia.

Sa kanilang depensa ay sinabi ng SMC na nakapagbayad na ito ng P314.6 billion, na kinabibilangan ng P73.9 billion sa fixed monthly payments at P240.7 billion sa generation charges.

“The remaining balance for payment to PSALM is at P77.6 billion by the time the agreement expires in 2022. This consists of P23.6 billion in fixed monthly payments and P54 billion in generation charges.”

Dagdag pa ng SMC, ang kanilang total paid at unpaid payments sa PSALM ay magkakahalaga ng P392.2 billion o P97.5 billion sa fixed monthly payments at P294.7 billion sa generation charges. SAKSI NGAYON NEWS TEAM

154

Related posts

Leave a Comment